Kinuha ni Maui ang pang ang
kanyang ninunong si Muri-ranga-whenua na sumisimbolo ng karunungan. Mula
rito ay mbilis nakagagawa ng pamingwit at mga sandata at nagsimula na
sa kanyang paglalakbay. Ginagamit din ni Maui ang kanyang karunungan sa
pamimingwit ng napakalaking isda na siyang pinagmulan ng North Island ng
New Zealand. Tinawag itong Te Ika-a-Maui na nangangahulugan ng “Isda ni
Maui.” Samantala, ang South Island naman ay tinawag na Te Waka-a-Mauwi
na ang ibig sabihin ay “Bangka ni Maui”.
Sa pamamagitan din ng panga
ni Muri-ranga-whenua ay kinalaban at natalo niya ang araw. Ginawa ito ni
Maui upang pabagalin ang araw sapagkat masyado itong mabilis kumilos
kaya hindi natatapos ang mga tao sa kanilang mga gawain.
Natuklasan niya rin ang
sikreto ng apoy mula naman sa mga daliri ng diyosa ng apoy na si
Mahuika. Nang matuklasan niya ang pagkawala ng apoy sa buong mundo,
dinalaw niya si Mahuika at hiningi nang paisa-isa ang daliri ng diyosa.
Napagtanto nitong nililinlang lamang siya ni Maui kaya’t gamit ang
natitirang daliri, hinabol niya ito ng apoy na naging sanhi ng
pagkasunog ng daigdig. Nag-anyong lawin si Maui subalit nahirapan siyang
tumakas sapagkat sinunog ni Mahuika ang lupa at dagat. Nanalangin si
Maui sa mga ninuno niyang sina Tawhrimatea at Whatirimatakataka na
siya’y tulungan. Nagpadala ang mga ito ng ulan kaya’t napawi ang apoy.
Natutong gumamit ng apoy sa pagluluto ang tribu nina Maui. Ginamit din
nila ito sa pagpapanatili ng init sa panahon ng taglamig.
Nanirahan si Maui sa bahay
ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mga kapatid. Napansin niya na
tuwing umaga ay nawawala ang kanyang ina. Isang araw, nag-anyong
kalapati si Maui at sinundan si Taranga. Natagpuan niya ito kasama ang
amang si Makeatutara.
Isinagawa ni Makeatutara ang
seremonya sa pagbinyag kay Maui. Nagkaroon ito ng pagkakmali kaya’t
hindi niya pinayagan ang anak sa susnod niton pakikipagsapalaran.
Gayunpaman, sa paniniwalang magtatagumpay siya, nagpumilit ang binata.
Pinaghandaan ni Maui ang muli niyang pakikipaglaban. Sinabi ni
Makeatutara sa anak na ang kanyang makakaharap ang diyosa ng kamatayan
na nagbabantay sa lugar ng mga patay, si Hinenui-te-po. Ang kanyang
katawan ay tulad ng sa tao subalit nag-aangkin siya ng mga matang bato
na kulay berde; ang kanyang buok ay halamang dagat; ang bibig ay gaya ng
sa barakuda.
Hindi natakot si Maui at
ipinagpatuloy ang balak na kalabanin si Hine-nui-te-po upang maging
imortal ang mgatao. Pinuntahan niya ang diyosa kasama ang ilan sa mga
kaibigan niyang maliliit na ibn. Nadatnan nilang natutulog ang diyosa
nang magkahiwalay ang dalawang hita. Nakita nila ang matutulis na
maliliit na batong kulay berde sa pagitan ng mga hita nito. Dahil
determinado si Maui na mapasok ang katawan ni Hine-nui-te-po upang
mabaligtad niya ang kapanganakan nang sa gayon ay mabubuhay ang tao
magpakailanman, binilinan niya ang mga kasama na huwag mag-iingay at
huwag tatawa.
Nang simulan na ni Maui sa
kanyang balakin, ang mababalahibong pisngi ng mga ibong kanyang kasama
ay nakiliti at hindi napigilan ang tumawa. Nang tuluyan nang makapasok
si Maui biglang nagtatawa ang isa sa mga ito. Nagising si
Hine-nui-te-po, isinara ang kanyang mga hita, at nahati sa dalawa si
Maui.
Si Maui ang unang taong
namatay at dahil nabigo siya sa kanyang misyon, ang lahat ng tao ay
ipinanganganak na mortal.
Mula sa: Ilaw Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 10
No comments:
Post a Comment