RhomuelRhomuelBlogger Tricks

Monday, October 5, 2015

Ang Pakikipagsaparalan ni Maui

      Si Maui ay ang anak na lalaki nina Taranga at Makeatutara. Maaga siyang lumabas sa sinapupnan at ibinalot sa buhok mula sa pagkakapusod ng kanyang inang si Taranga at itinapon sa dagat. Iniligtas siya ng espiritu ng karagatan at ibinigay kay Tama-nui-ki-te-rangi upang palakihin. Nagbalik siya sa bahay ng kanyang mga magulang upang makasama sila at ang apat na kapatid. Hindi siya nakilala ng ina kaya’t pinalayas siya nito. Nag-aalangang lumapit sa pinto si Maui. Bago umalis ay sinabing. “Aa;os alp. Ayon sa iyong kagustuhan. Marahil nga ay anak ako ng isang estranghero subalit naniniwala pa rin akong isinilang ako malapit sa dagat at binalot mo ako sa iyong bigkis na nagmula sa iyong buhok, at itinapon mo sa dagat. Iniligtas at kinupkop ako ni Rangi sa kanyang tahanan sa himpapawid. Kilala ko rin ang pangalan ng iyong mga anak.” Matapos isa-isahin ni Maui ang pangalan ng mga kapatid, sinabi rin niya na ang pangalan niya ay Maui-tikitika-a-Taranga na nangangahulugang “Maui, ang pusod ni Taranga”. Sa wakas ay kinilala siya ng ina. 

                Kinuha ni Maui ang pang ang kanyang ninunong si Muri-ranga-whenua na sumisimbolo ng karunungan. Mula rito ay mbilis nakagagawa ng pamingwit at mga sandata at nagsimula na sa kanyang paglalakbay. Ginagamit din ni Maui ang kanyang karunungan sa pamimingwit ng napakalaking isda na siyang pinagmulan ng North Island ng New Zealand. Tinawag itong Te Ika-a-Maui na nangangahulugan ng “Isda ni Maui.” Samantala, ang South Island naman ay tinawag na Te Waka-a-Mauwi na ang ibig sabihin ay “Bangka ni Maui”.
                Sa pamamagitan din ng panga ni Muri-ranga-whenua ay kinalaban at natalo niya ang araw. Ginawa ito ni Maui upang pabagalin ang araw sapagkat masyado itong mabilis kumilos kaya hindi natatapos ang mga tao sa kanilang mga gawain.
                Natuklasan niya rin ang sikreto ng apoy mula naman sa mga daliri ng diyosa ng apoy na si Mahuika. Nang matuklasan niya ang pagkawala ng apoy sa buong mundo, dinalaw niya si Mahuika at hiningi nang paisa-isa ang daliri ng diyosa. Napagtanto nitong nililinlang lamang siya ni Maui kaya’t gamit ang natitirang daliri, hinabol niya ito ng apoy na naging sanhi ng pagkasunog ng daigdig. Nag-anyong lawin si Maui subalit nahirapan siyang tumakas sapagkat sinunog ni Mahuika ang lupa at dagat. Nanalangin si Maui sa mga ninuno niyang sina Tawhrimatea at Whatirimatakataka na siya’y tulungan. Nagpadala ang mga ito ng ulan kaya’t napawi ang apoy. Natutong gumamit ng apoy sa pagluluto ang tribu nina Maui. Ginamit din nila ito sa pagpapanatili ng init sa panahon ng taglamig.
                Nanirahan si Maui sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mga kapatid. Napansin niya na tuwing umaga ay nawawala ang kanyang ina. Isang araw, nag-anyong kalapati si Maui at sinundan si Taranga. Natagpuan niya ito kasama ang amang si Makeatutara.
                Isinagawa ni Makeatutara ang seremonya sa pagbinyag kay Maui. Nagkaroon ito ng pagkakmali kaya’t hindi niya pinayagan ang anak sa susnod niton pakikipagsapalaran. Gayunpaman, sa paniniwalang magtatagumpay siya, nagpumilit ang binata. Pinaghandaan ni Maui ang muli niyang pakikipaglaban. Sinabi ni Makeatutara sa anak na ang kanyang makakaharap  ang diyosa ng kamatayan na nagbabantay sa lugar ng mga patay, si Hinenui-te-po. Ang kanyang katawan ay tulad ng sa tao subalit nag-aangkin siya ng mga matang bato na kulay berde; ang kanyang buok ay halamang dagat; ang bibig ay gaya ng sa barakuda.
                Hindi natakot si Maui at ipinagpatuloy ang balak na kalabanin si Hine-nui-te-po upang maging imortal ang mgatao. Pinuntahan niya ang diyosa kasama ang ilan sa mga kaibigan niyang maliliit na ibn. Nadatnan nilang natutulog ang diyosa nang magkahiwalay ang dalawang hita. Nakita nila ang matutulis na maliliit na batong kulay berde sa pagitan ng mga hita nito. Dahil determinado si Maui na mapasok ang katawan ni Hine-nui-te-po upang mabaligtad niya ang kapanganakan nang sa gayon ay mabubuhay ang tao magpakailanman, binilinan niya ang mga kasama na huwag mag-iingay at huwag tatawa.
                Nang simulan na ni Maui sa kanyang balakin, ang mababalahibong pisngi ng mga ibong kanyang kasama ay nakiliti at hindi napigilan ang tumawa. Nang tuluyan nang makapasok si Maui biglang nagtatawa ang isa sa mga ito. Nagising si Hine-nui-te-po, isinara ang kanyang mga hita, at nahati sa dalawa si Maui.
                Si Maui ang unang taong namatay at dahil nabigo siya sa kanyang misyon, ang lahat ng tao ay ipinanganganak na mortal.


Mula sa: Ilaw Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 10